Napanood mo na ba ang pelikulang Peter Pan? Kung ganun, siguro
naalala mo ang linyang "Wendy, think of happy thoughts so you can fly" (
i hope tama ako, parang ganun na nga)? It is hard to be positive when
you are in the midst of circumstances. A little waggle, a little shake,
everything will be alright. Just be blessed.
Isang araw, kaming mag-asawa eh pinanonood ang aming
unico ijo na naglalaro ng kanyang mga laruan, trains, cars at trucks.
Sabi ng asawa ko," ang swerteng bata dahil ang daming laruan na nilalaro
niya, ako noon mabilang ko lang pero ang pinaka-koleksyon ko ay star
wars (which binigay na niya sa aming anak)." Sabi ko naman "maswerte ka
may mabilang kang laruan, siguro isang manika lang ang akin noon pero
hindi talagang akin dahil tatlo kaming naglalaro sa isang manika, kaming
tatlong magkapatid na babae. Pero ang pinakamasaya eh yong laro na
kasama ang mga kaibigan na ang nilalaro eh bahay-bahayan at mga larong
kalsada. Paano naman kase uunahin muna ang pagkain at edukasyon kesa
ibili ng laruan."
Ganun pa man, hindi kami
nagrereklamo. Habang patuloy naming pinanonood ang aming anak, patuloy
rin akong nagkwento noong kabataan ko, hanggang ang aming anak ay
lumapit sa amin at umupo sa gitna namin at pinakikinggan ang aking
kwento. Napaka-attentive niya na marinig lahat at kahit maraming tanong
in between ang lalyo ng lipad ng kanyang imagination. Sa katapusan ng
aking kwento, sabi ko sa anak ko, "maswerte ka dahil, kahit hindi lahat
na maibigay namin ang gusto mo, may mga kamag-anak ka na makapagbigay
nito sa'yo. Kaya , you should be thankful sa Panginoon dahil maraming
mga bata na walang laruan o pagkain na kinakain. " Mabait naman anak
namin, maaalahanin rin sa iba at matalino kaya hindi mahirap sa kanya
ang maintindihan ang mga sa sinasabi namin.
Balik-tanawin
ko ang aking mga napagdaanan, masasabi kong ang swerte ko dahil may
anghel akong laging nakasubaybay sa akin, na laging sinusundan ako sa
lahat ng lakad ng buhay ko. Ako ay nasa early 30's na, kung tutuusin
ilang buwan nalang at mag-35 na ako. Marami na akong nakabangga, pero i
remained humble. Hindi man ako salat sa lahat ng luho, pero binuhusan
ako ng pagmamahal. Minsan hindi mo talaga maiwasan na ikumpara mo ang
sarili mo sa iba, ngunit kapag tinitingnan ko ang nakapaligid sa akin,
mas maswerte ako kesa sa kanila. Hakuna Matata... God is good all the
time. Mapapangiti nalang ako kapag naisip ko lahat ng tagumpay na nagawa
ko sa buhay. Katunayan nga ako'y nagagalak dahil yon ang nakapagbigay
sa akin ng lakas ng loob.
Happy Thoughts: despite of,
basta may pananalig tayo sa Taas, tayo ay magtatagumpay. At 'wag rin
nating kalimutan na ibahagi ang ating tinatamasa ngayon.
No comments:
Post a Comment